Ang Alindog ni Sister Estella
ika-8 ng umaga.. bag! bag! bag! binasag ng malakas na ingay ang katahimikan ng loob ng simbahan… ingay na dulot ng sigawan at malalakas na yabag ng mga paa… si padre damaso na sa edad 50 ay mapapansin mo pa rin ang kakisigan ng katawan.. may taas na hindi hihigit sa 6 na talampakan, may bigote at bilugang mukha.. kahawig niya ang isa sa mga mandirigma sa pelikulang 300.. hila-hila niya ang batang madre na si sister estella palabas ng silid dalanginan at papunta sa silid ng pari.. nagpupumiglas ang batang madre habang naglalakad… halos madurog ang maputi at makinis niyang braso dahil sa higpit ng pagkakakapit ng kamay ng maskuladong pari..
sa di kalayuan ay may taong nagmamasid.. nasaksihan pala ito ng sakristan mayor habang naglilinis sa kabilang bahagi ng bulwagan… na-curious ang binata kaya sinundan nya ang dalawa hanggang makarating sa kwarto ng pari…
‘blag!’.. malakas ang hampas ng pinto dulot ng biglaang pagkakasara… ‘father, huwag po!’ nagmamakaawang pakiusap ng madre… ‘tumahimik ka at wag kang malikot! matagal ko nang gustong gawin ito sa iyo pero wala akong pagkakataon… pero ngayon wala nang makakapigil pa sa akin!’ nanggigigil na sigaw ng pari… kinatok ng sakristan mayor ang pinto para alamin kung ano ang nangyayari sa loob ng silid… ‘father! father! ano po ang nangyayari? anong gagawin ninyo kay sister estella?…’ ‘wag kang makialam, alam ko ang ginagawa ko!’ pasigaw na tugon ng pari… ‘pero father…’ nakailang beses din siyang nakiusap ngunit matigas ang damdamin ng matanda sa mga oras na iyon, buo na ang loob at walang kinakatakutan… walang nagawa ang binatilyong sakristan kayat naisipan niyang mag-antay na lamang sa labas ng silid at mag-abang sa mga susunod na mangyayari.. hindi siya mapakali.. nag-aalala.. nagtataka at higit sa lahat nanghihinayang… lingid sa kaalaman ng pari ay may lihim na pagnanasa ang binatilyo sa magandang madre… kahit sinong lalaki naman siguro ay mabibighani sa kagandahan ni sister estella… 21 taong gulang, makinis, maputi, mahaba ang buhok, singkitin ang mata at may hubog ang katawan.. sayang nga lang dahil mas pinili pa niyang maglingkod sa simbahan..
umupo na lang sa isang tabi ang binatilyo habang nagbabantay, naririnig niya ang mga iyak at pagmamakaawa ng madre sa loob ng silid.. ‘bad trip naman si father o, mukhang inunahan pa ako…’
ilang saglit pa at binalot ng katahimikan ang buong paligid… biglang tumunog ang kandado at dahan-dahang bumukas ang pinto… tumayo ang binatilyo para salubungin ang lalabas sa pinto.. unang lumabas si sister estella kasunod si padre damaso… namangha ang sakristan mayor sa kakaibang hitsura ng dating maamong mukha ng batang madre… namumula ang mga labi at pisngi at nangingitim ang paligid ng mga mata… ‘waahh! father, anong ginawa ninyo sa kanya?!’ nagtatakang tanong ng sakristan.. nakangising sumagot ang pari… ‘at bhaket?! carry diba? winnie santos nga ang make-up ng lola mo e! grabe! pagoda cold wave lotion ako diyan ha.. rita avila ayusan.. d na akembang uulit ever..’ naimbiyerna ang binatilyo.. ‘hay baklush! career ba itoh! bitter ocampo ako ha kasi naunahan mo ko pero carry lang.. in fairness feel ko siya!’ at sabay na tumalikod ang dalawang baklita… magkahawak-kamay na iniwan si sister estella…
‘goodbye suklay’
| 2.5 |
Posted: July 18th, 2008 under My Blogs.
Tags: Sister Estella
Comments
Comment from Liz
Time August 22, 2008 at 3:05 pm
hahaha! nice artik. your blog is going to be one of my faves, am sure.
Pingback from links for 2008-07-25 « PinoyBlurker @ PinoyBlogoSphere.com
Time July 25, 2008 at 3:30 pm
[...] MySibuyas.com » Blog Archives » Ang Alindog ni Sister Estella [...]