3 Years Ago
3 years ago on this same day, i first set my foot in Lion City. kasama ko dapat ang 2 kaibigang babae, baon namin ang aming mga pangarap na makakahanap ng trabaho sa bansang Singapore at mabigyan ng magandang buhay ang pamilyang maiiwan sa bansang Pilipinas.. syempre, excited ako nang mga panahong iyon pero kinakabahan din at the same time… bakit excited? dahil first time ko mag-travel overseas plus first time ko rin mag-international flight (usually kasi domestic flights lang via PAL at Cebu Pacific)…
kung bakit naman ako kinakabahan ay dahil sa maraming dahilan… una, dahil hindi ako sure kung makakalusot ako sa immigration at papayagan akong makalabas ng bansa bilang isang turista, lalo na kapag nalaman nila na ang return ticket ko ay after 35 days pa.. policy kasi sa mga turistang pupunta ng Singapore na kapag more than 30 days ang return trip ay kailangan magpakita ng Letter of Invitation galing sa kamag-anak o kaibigan na nasa Singapore… pangalawa, kahit IT professional ako, hindi pa rin ako sure kung makakahanap ako ng work sa singapore.. pangatlo, in case na mabigo ako sa singapore, wala na akong babalikang trabaho sa pinas dahil nagresign na ako (June 30 ang last day ko)… anyway, ano man ang mangyari, charged to experience na lang, ganon talaga e… that is part of life.. life is a gamble.. if it is for me, then lucky me… :o)
12PM.. nagkita kita kaming 3 sa likod ng SM Megamall, dahil doon ang terminal ng bus papuntang Diosdado Macapagal International Airport sa Clark Airbase Pampanga… isang maliit na maleta at isang backpack lang ang dala ko dahil 15KG check in baggage at 7KG hand carry bag lang ang allowed sa Tiger Airways..
around 3PM ng dumating kami sa airport, sarado pa ang counter para sa check-in ng baggage so tambay muna kami sa labas.. mga bandang 5PM na ng buksan nila ang pinto para sa check-in… fill-up ng disembarkation, bayad ng travel tax at terminal fee at pagkatapos ay pila na sa immigration…napagkasunduan naming 3 na kunyari ay hindi kami magkakakilala para hindi makahalata ang immigration officer na maghahanap lang kami ng work sa singapore at dahil magkakaiba rin ang aming mga return tickets…
2 ang pila sa immigration, ang isa kong kaibigang babae ay pumila sa kaliwa at kami naman nung isa ko pang kaibigan sa kanan… unang na-interview ang kasama ko sa pila… chika-chika, tawa-tawa.. ayos.. nakalusot.. tinatakan ang kanyang passport.. ini-interview na rin ang kaibigan ko na nasa kaliwa, 2 beses lang syang tinanong at narinig ko na lang ang mga salitang ‘off load ka..‘ ooops, bigo.. bakit? nagtataka siyang tumalikod.. nagkatinginan na lang kami habang papalayo siya sa immigration.. dito na ako kinabahan… ako na kasi ang susunod sa pila sa kanan.. ‘tug-tug, tug-tug’.. kakabog kabog ang dibdib ko.. ‘anong gagawin mo sa singapore?’ tanong sa akin ng immigration officer, ‘mamamasyal at may hahanapin lang po akong tao..‘, sagot ko.. ‘may work ka ba dito?’ tanong nya ulit.. ‘meron po, sa Cultural Center of the Philippines po ako nagta-trabaho‘, sabay pakita ng ID ko.. pero ang totoo matagal na akong hindi connected sa CCP… sa sandaling iyon, may sumingit na babaeng officer.. ‘uyy, sa CCP ka pala nagwo-work, ano work mo don?’… ‘sa IT yung sa computer‘, sabi ko.. ‘ano na ba ang bago sa CCP?‘, tanong nya ulit.. ako naman mega kwento.. nang matapos ang interview kala ko tatatakan na ang passport ko, aba.. hindi pa pala.. pinapasok ako at pinaupo sa isang tabi.. sinabi sa akin na antayin ko daw ang supervisor nila… patay! pano na? maya maya pa, lumabas na ang supervisor nila.. ‘activate lungkot mukha mode’.. as usual, tanong tanong… paliwanag naman ako ng konti, kasi po ganito kasi ganyan… at pagkatapos ng interview ‘hmmm.. o sige, papayagan kitang makalabas ngayon ha..’ wow! ayos.. palakpak ang tenga ko… pero hindi pa rin tapos ang kalbaryo, step 1 pa lang yon.. step 2 ay ang singapore immigration naman…
nakalusot nga kami pero naiwan naman ang isa… lumabas ang kaibigan ko para tulungan sya sa pakikipag-usap sa immigration officer pero bigo pa rin sila.. sinabihan na lang namin siya na magpa-book na lang sa ibang airline at sa NAIA na lang siya manggaling, magpapadala na lang kami ng Letter of Invitation as supporting document… lumabas na sya ng airport at sumakay na ng bus pabalik ng manila dala ang kalungkutan at panghihinayang sa perang pinambayad ng ticket.. ilang saglit pa at kami naman ay pasakay na rin sa eroplano…
past 10PM nang may magsalita sa PA system ng eroplano… ‘Welcome to Singapore’.. sabi ng Pilot Captain…
ok, eto na.. singapore na…
bumaba na kami mula sa eroplano at pumila na sa immigration.. eto na ang step 2… ‘what is your purpose of visit in Singapore?‘, tanong ng immigration officer.. ‘visiting friends and relatives‘, taas noong sagot ko.. ‘why are you staying for 35 days?‘, tanong nya ulit.. shit! patay na.. ‘uhmmm.. (medyo utal) because, my mother will also visit singapore, i will wait for her before i go back‘.. sagot ko uli.. tumingin sa akin yung babaeng officer, ‘i can only give you 30 days, if u want to extend your stay, you need to go to ICA‘, takatak! sabay tatak sa passport ko.. yes! step 2 success… whew! parang huminto ang mundo ko ng 5 segundo..
halos sabay kaming natapos ng kasama ko sa immigration… mixed emotions ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon.. sa wakas, nakatuntong na rin ako ng Singapore… nakahinga rin kami ng maluwag.. kinuha na namin ang aming mga gamit at masayang naglakad palabas ng airport… sa labas ay nag-aantay ang aming sundo… sa labas din ng airport na ito ay nag-aantay ang isang bagong pag-asa… a new place that offers a new hope…
-the end-
| 2.5 |
Posted: July 2nd, 2008 under My Blogs.
Tags: My Life