Recent Posts

Most Recent Visitors

Meta

 

June 2008
S M T W T F S
    Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Archives

Links:

Recent Comments

Tags

Ang ‘Nawawalang’ Kung Fu Panda

Kung Fu Panda7:45PM, 15th of June 2008, pumasok na sa sinehan ang 6 na magkakaibigan para manood ng “KUNG FU PANDA” na magsisimula ng 7:55PM…

 

relax na relax ang bawat isa habang nakaupo at pinapanood ang mga commercials at mga trailers ng mga upcoming movies… ayos ito, at least makikita namin ang mga aabangan pa naming pelikula… nagsimula ang commercials sa JCDecaux hanggang sa Tissot at natapos kay Nike… pinakita rin ang trailers ng Penelope at Wall-E..

 
ilang saglit pa at unti unting dumidilim s loob ng sinehan, hudyat na magsisimula na ang palabas… nilingon ko ang aking paligid, wala pang 30 ang taong nanonood… hmmmm..  lubhang maluwag ang sinehan at parang wala rin akong nakikitang mga bata (knowing na isang animation ang pelikula).. nung nagpa-book kami online ay napansin kong halos mapuno na ang mga upuan, na siya ring dahilan kung bakit puro 2-seater na magkakahiwalay ang aming nai-book…

 

pero bakit wala pa rin kaming katabi? ito rin ang napansin ng kaibigan kong nakaupo sa likod, na-late siguro, ito na lang ang inisip ko… at sa loob loob ko, ayos ito at least makakalipat kami sa gitnang bahagi para mas maganda ang panonood at para magkakatabi rin kami… hehehe…

 
ipinakita na kung sino ang gumawa ng pelikula
“Mandarin Films Distribution Co. Ltd.” (ay, ang galing naman, akala ko Dreamworks ang gumawa…)


 

nagsimula na ring ipakita ang pangalan ng mga bida…
“Lee Sinje” (ah.. may intsik palang kasama si Jack Black sa pelikula…)



 
“Isabella Leong” (aba! 2 pa pala ang intsik na kasama sa pelikula…)


 
“Chang Chen” (hmmm.. bakit wala ang pangalan ni Jack Black na siyang pangunahing bida sa “KUNG FU PANDA”)


 

at ang pinakahuli.. ang title ng pelikula…


 
“MISSING” (ha?! tama ba yung nababasa ko?…)

 


ah… “MISSING” pala ang title ng pelikula… tinggggg! ano?! teka, mali yata a.. nagkatinginan ang magkakaibigan… bakit iba ang pinapalabas na pelikula, mali yata kami ng pinasukan… sa tagpong ito, magkakahalong emosyon ang nakita ko.. may naiinis, may nalulungkot, may natatawa at may nakatulala… para kaming mga batang nawawala… 

 

muli naming sinilip ang aming mga ticket.. ni-check ang title, “KUNG FU PANDA”, tama!… ni-check ang cinema number, “Cinema 1″, tama!… ni-check ang oras, “5:55PM”, nyee… late kami? pero 7:55PM ang pina-book namin… sa mga oras na ito ay nasa labas na kami ng pinto ng cinema 1, oo nga “MISSING” nga ang title kasi yun ang nakasulat sa may pinto ng cinema 1 at nasa cinema 4 ang “KUNG FU PANDA”… nyahahaha…

 
kinausap namin ang isa sa mga staff at nagreklamo kami dahil mali ang nasa ticket… pina-verify nila at nakitang yun ang tamang ticket, ipinakita nila ang print out ng online transaction na ginawa namin, wala na daw silang magagawa dahil yun ang nakalagay sa papel… ang ending, kaysa masayang ang ibinayad namin, nag-offer sila na ipapa-rebook na lang nila kami sa 9:55PM without additional charges dahil mga 8:10PM na ng mga oras na iyon at nagsimula na ang 7:55Pm na screening time… so ok na rin…

 

gayunpaman, masaya pa rin ang magkakaibigan dahil habang nag-uubos ng oras, nakapag-bonding sila sa bilyaran at nakapanood rin sila ng “KUNG FU PANDA” plus…

dalawang set ng commercials at movie trailers… :o)

 

 

-The End-

Rate this:
2.5

Comments

Comment from Shinji
Time July 20, 2008 at 4:09 am

Wahhh… kakatakot na experience… buti marami kayo pano kung solo na lagi kong ginagawa? malamang paninindigan ko na lang na ituloy ang panonood… weheheheh

Rate this:
2.5

Write a comment