Araw ng Kasarinlan ng Perlas ng Silanganan
ika-12 ng Hunyo, taong 2008. isang bansang binubuo ng mahigit 7 libong isla ang nagdiriwang ng kanyang araw ng kalayaan. kalayaan mula sa pagkakasakal, pang-aapi at pananamantala ng makapangyarihang espanya. ipinaglaban ng mga bayaning pilipino, sa pangunguna ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. pero makaraan ang 110 taon mula ng unang itaas ang bandila ng pilipinas, ano na ba ang mga naganap? ano na ba ang mga pagbabagong pinagdaanan ng inang bayan? kumusta na kaya si juan dela cruz? nararamdam ba nya ang kaginhawan ng pagiging malaya?
mga bagong gusali, tulay, shopping mall at kung anu-ano pang makabagong teknolohiya ang ilan lamang sa mga pagbabago sa kasalukuyan na nagiging daan upang gumaan ang ating pamumuhay.. mababang sahod, mataas na presyo ng bilihin at gasolina, pagtaas ng kriminalidad sa lipunan, corruption sa gobyerno, paglobo ng populasyon, pagkasira ng kalikasan, ito naman ang mga bagay na patuloy na humihila sa atin paibaba sa kahirapan at nagpapayaman sa mga iilang elitista at pulitiko ng ating pamahalaan…
hay.. kay sakit isipin… kailangan ko pang mangibang-bayan para lamang maranasan ang karangyaan sa buhay… kung nagamit lang sana sa tamang paraan ang yaman ng aking bansa edi sana ay wala nang pinoy na nagpapakahirap at nagpapakamatay sa paghahanapbuhay sa lupang banyaga para lamang itawid sa hirap ang naiwang pamilya…
bayan kong mahal, nakalaya ka nga sa mapanakop na kastila pero kailan mo kaya makakamtam ang kalayaan mula sa bulok na sistema ng mga mapamsamantalang tao na patuloy na inilulubog sa kumunoy ng kahirapan ang kanyang nasasakupan…
sana.. sana.. bago magpalit ng henerasyon ay makita ko ang tunay na pagbabago at pag-unlad ng bayan kong mahal…
mabuhay ang mga Pilipino! ipagpatuloy mo ang laban!
maligayang araw ng kalayaan..
| 2.5 |
Posted: June 12th, 2008 under My Blogs.
Tags: Philippines, Pilipinas