Recent Posts

Most Recent Visitors

Meta

 

June 2008
S M T W T F S
    Jul »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  

Archives

Links:

Recent Comments

Tags

Who Am I?

hello! surprised? hehehehe.. me too.. i didn’t expect putting up my own blog site… ano ang nagtulak sa akin para gawin ito? hmmm.. wala lang, na-curious lang ako… what is it with blogging ba? sabi ng iba, outlet daw nila para ilabas ang sama ng loob nila, yung iba naman, wala lang para lang masabing IN daw sila sa trend, hi-tech kuno.. yung iba naman IT daw kasi sila, I-nosenteng T-anga, ooops, beep-beep…

 

may mga blog na masarap basahin, may mga blog na nakakatuwa kasi maganda ang nilalaman, meron namang nakakainip at nakakainis kasi yung iba ni-copy lang sa ibang blog sites, hehehe… pero ano ba talaga ang ibig sabihin ng BLOG? kinunsulta ko si webster, ang sabi niya, BLOG is a Web site that contains an online personal journal with reflections, comments, and often hyperlinks provided by the writer.. ayon naman kay kaibigang Google, Blog is short for weblog. A weblog is a journal (or newsletter) that is frequently updated and intended for general public consumption. Blogs generally represent the personality of the author or the Web site… i see, so tama nga ang sabi ng iba.. FYI ito para sa mga readers ko na gustong gumawa ng blog, at least may idea kayo kung ano ba talaga ang isang blog… teka, mali yata ang title ng blog ko a… the contents of this 1st blog were supposed to tell the reader about me, kaya nga ‘Who Am I?’ ang titulo e… sorry ha, nadala ako sa intro ko e…

 

anyway, ako nga pala si lynx rufus, laking maynila, may probinsya pero mga magulang ko lang ang nanggaling don, taga-Central Luzon si erpat at taga-katimugang Luzon naman si ermat… simpleng pinoy na kasalukuyang naghahanap-buhay at nagpapatuyo ng utak sa isang bahay-kalakal (company) sa bansang Singapura. sa banyagang bansang ito ay una akong namasukan bilang isang hamak na manggagawa na tagapagbigay ng teknikal na tulong sa mga parokyano (client) ng kumpanyang IBM (I-ngat B-aka M-apagalitan)… matapos ang humigit kumulang dalawang taon, ako ay naghanap ng malilipatan at ngayon ay nagbibigay serbisyo sa isang kumpanyang nabibilang sa industriya ng logisitcs. nagtapos ng kursong inhinyero ng kompyuter (computer engineering) sa isang unibersidad sa maynila noong taong XXXX… anim na taon akong nag-sunog ng kilay para makuha ang diploma ko… kung bakit anim na taon? hmmmm… sa susunod ko na lang sasagutin yan, hehehehe…

 

ano ba ang personalidad ko? hmmm.. ang sabi ng iba kong kaibigan, mayabang at suplado daw ang unang tingin nila sa akin (first impression)… pero kapag nakilala nyo na ako, mababago na ang tingin nyo… kung ano man yon? it’s for you to find out, hehehehe… actually, hindi naman ako suplado e, hindi nga lang ako namamansin kapag hindi ako pinansin… syempre, hindi mo nga ako pinansin e, bakit kita papansinin, gets mo?… mayabang? hmmmm… hindi rin, low profile nga lang ako… kagaya nga ng statement ko sa itaas, simpleng pinoy lang ako… sabi ng ibang friends ko, makulit daw ako… totoo po iyon, makulit po ako… kulit na nakakatuwa, hindi yung nakakainis, kulit na nakaka-inlove (ooops!) hindi yung nakaka-turn-off… asset ko daw ang pagiging makulit at madaldal ko… dito lang ako nasira sa singapore, iba kasi ang humor ng mga singkit dito e… kung bakit? sa susunod na blog ko na lang sasabihin para may aabangan kayo..

 

o sya, mga tsong at tsang, mga bro and sis… dito ko na tatapusin ang unang blog ko.. tutal intro lang naman ito.. pipilitin kong mag-update ng blog tungkol sa kung anu-anong bagay na maaring pumasok sa mapaglarong isipan…

 

hanggang sa muli.. paalam!!!

Rate this:
2.5

Comments

Comment from Shinji
Time July 20, 2008 at 4:15 am

K lah! keep it up pare may asset ka pala sa pag-bblog…

Rate this:
2.5

Comment from May Ledesma
Time August 6, 2008 at 7:23 am

Wow! I like your profile, very honest and very “makata” hehehe… So you love our language, that’s really neat! By the way, I like your photos, you seem like a professional photographer.

Rate this:
1.8

Comment from Lynx Rufus
Time August 7, 2008 at 1:57 am

hello.. newbie lang po ako sa photography.. anyway, thanks for the compliment.. hope u can visit my site again.. see yah!

Rate this:
3.0

Write a comment